Paniningil sa mga nagpapatala ng kapanganakan itinigil

PANSAMANTALANG itinigil ng isang buwan ang koleksyon ng bayad sa mga dukha na nagpapatala ng kapanganakan upang mahikayat silang ipatala ang kapanganakan ng kanilang mga anak.

Ayon sa local civil registrars ang hakbang ay bilang pagtalima sa isang direktiba mula kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na suportahan ang programa ng pamahalaan na libreng pagpapatala ng kapanganakan para sa ikabubuti ng mga maralitang pamilya at mga taong tribo.

Sa kanyang direktiba, binigyan diin ng kalihim na mas medaling mahikayat ang mga magulang na mga bata na hindi pa naipapatala na makilahok sa kampanya ng birth registration kung hindi sila sisingilin.

Aniya, ang programa ay bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ni Pangulong Benigno Aquino III kaya ang mga kasapi ng 4Ps ay hindi na kailangang magbayad upang maipatala ang kapanganakan ng kanilang mga anak pati ang mga magpapatala sa pampublikong paaralan na walang birth certificates.

Ayon sa namumuno ng tanggapan ng National Statistics Office na si Arnulfo Virtucio, katuwang ng NSO sa isang buwang registration campaign ang Department of Social Welfare and Development at DILG.

Tinatayang may 50,000 mamamayan sa Masbate ang hindi nakatala sa birth registry sa taong 2005. Unti-unting bumaba ang bilang ng mga hindi rehistrado dahil sa patuloy na kampanya sa birth registration. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply