Panloloko sa kita ng oil companies inilantad

IPINAMUKHA ngayon ng isang research group sa hacienderong Pangulo ng Pilipinas Benigno Noynoy Aquino III ang umano’y panlilinlang ng oil companies sa milyon-milyong Filipino hinggil sa kanilang kita at kung makatao pa ba ang kanilang sunod-sunod na pagpapatupad ng oil price hike.

Ayon sa think tank na Ibon Foundation, umaabot ang pinagsama-samang kita (profits) ng tatlong higanteng oil companies Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Chevron Philippines Inc.  sa tumataginting na  P141.7 billion mula  2001 hanggang taong  2009.

Ito umano ay ayon sa kanilang pag-aaral at sa stadistika ay mas malaki pa sa pinagsama-samang kita (income) ng may  2.36 million families na umaabot lamang sa P114.3 billion nitong taong 2009.

Ayon sa Ibon Foundation, “The figures debunk the Big Three’s claims that local price hikes are needed so that they can recover losses from the global oil price movements.”

Dahilan ngayon para makiisa ng research group sa panawagan sa Aquino administration para atasan na ang  oil companies na ilantand at busisiin na ang kanilang libro or financial accounts base na rin sa nakitang paglobo ng kanilang kita na umaabot sa daang bilyong piso nitong nakalipas na taon.

Ang halaga ng krudo ay umakyat mula sa P13.96 kada  liter noong  2001 at umabot sa  P44.31 noong 2008 bago bahagyang bumaba sa  P41.26 nitong  2010.

Habang ang regular gasoline prices ay nagtaas mula P16.58 nitong 2001 at umabot sa  P45.92 nitong  2008 at lumobo pa sa  P48.73 nitong  2010.

Kasabay nito, sinasabi ng Ibon Foundation na lumobo ang net income ng Pilipinas Shell ng anim na ulit  mula sa  P3.1 billion noong  2001 ay umakyat sa  P19 billion nitong  2008, at bahagyang bumaba sa  P16 billion nitong 2009 kung saan ay may kabuuang kita sila sa loob ng siyam na taon na umaabot sa P73 billion.

Habang ang Chevron umano ay lumobo ng 11 ulit mula sa  P1 billion kita noong  2001 ay umakyat sa  P10.7 billion nitong  2007, naging  P8.6 billion ng taong 2008, bago bumaba ng konti sa halagang  P8.3 billion sa  2009.

Hinamon naman ngayon ng mga militantneg grupo ang gobyerno na buksan ang financial account ng mga oil companies upang mapatunayan kung totoo ba ang pahayag ng nasabing research group at pabulaanan ang paratang hinggil sa hindi makataong oil price hike na ipinapataw sa mga Pinoy.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply