‘Pantawid Pasada’ hinangaan sa ASEAN

HINANGAAN sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang naging hakbang ng gobyerno ng Pilipinas upang para mabawasan ang matinding epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, kinikilala sa ibang bansa ang “Pantawid Pasada” ng gobyerno at gusto nilang pag-aralan ang targeted subsidy para matulungan ang higit na nangangailangan.

Sa katunayan ay nilapitan siya ng iba’t-ibang ASEAN leaders at tinanong kung paano nakaka-survive ang Pilipinas sa nasabing problema ng mundo.

“Tinanong nila kung paano tayo nakaka-survive sa krisis sa langis. Sinabi ko na mayroon tayong programa na tinatawag na Pantawid Pasada. Ngayon, inaaral na nila ang ginagawa nating targeted subsidy na nagtutuon ng tulong kung saan pinakamalaki ang impact,” ayon kay Pangulong Aquino.

Binanggit din ng Chief Executive ang paglakas ng interes ng mga mamumuhunan sa Public-Private Partnership projects.

“Patuloy naman ang paglakas ng interes ng ibang bansa na mamuhunan sa atin tulad ng Thailand na gustong makisalo sa ating Public-Private Partnership projects. Pinarating naman po ng Vietnam na handa sila sa mas malalim na pakikipagsanggahan pagdating sa seguridad ng ating mga teritoryo,”saad ng Pangulo. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply