‘Pantawid Pasada’ ibibigay na

PINAHINTULUTAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalabas ng P134.4 milyon para sa may 900,000 tricycle operators sa buong bansa bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na “Pantawid Pasada” para sa sektor ng public transportation.

Ayon kay DILG Secretary Jessie Robredo, ang pondo ay ibinigay na sa 16 na DILG regional offices na inatasan na makipagtulungan sa mga local government units para sa maayos na pamamahagi sa mga rehistradong tricycle operators.

May kabuuang 896,024 na may-ari ng tricycle ang tatanggap ng isang beses na subsidiya na P150 bawat isa na nakapaloob sa Executive Order No.32 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang Central Luzon ang makatatanggap ng pinakamataas na alokasyon na aabot sa P33 milyong halaga para sa 221,392 operators. Ang Calabarzon naman ay tatanggap ng P28 milyon para sa 189,316 operators at ang mga taga Metro Manila ay aabot sa P15 milyon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply