Panukala ni Sotto sa RH Bill sinopla

SINALUNGAT ni House Deputy Speaker Erin Tanada ang rekomendasyon ni Sen. Tito Sotto na ipagpaliban ang deliberasyon ng Reproductive Health Bill hangga’t hindi malinaw kung saan napunta ang pondo ng Maternal, Neonatal and Child Health and Nutrition (MNCHN) program ng Department of Health (DOH).

Giit ni Tanada, “the correct response to corruption is vigilance, not fear.”

Lalo aniyang dapat na itong isalang sa plenaryo dahil dekada nang nakabinbin ito sa Kongreso.

Ibang usapin ang imbestigasyon sa pondo at sa deliberasyon ng isang panukala na malaki ang maitutulong upang maibsan ang kahirapan sa Pilipinas, ayon sa mambabatas.

“The purpose of debates in Congress is to think through all the factors that may be relevant to a proposed government program, not to shadowbox its improper implementation in the future,” ani Tanada.

Samantala, inaasahan nina Gabriela Rep. Luz Ilagan at Eastern Samar Rep. Ben Evardone na uusad na ang RH bill matapos kumpirmahin ng Palasyo na hindi ito magsusulong ng kanilang bersyon bagkus ay susuporta na lamang sa bersyon ng Kamara de Representantes.

Bagama’t nanghinayang sa pag-atras ng simbahan sa debate ukol sa RH bill ay sinabi ni

Sinabihan din ni Evardone ang Simbahang Katoliko na sa mga kongresista, lalo na ang mga nagsusulong ng nabanggit na panukala, na lamang ito makipag-dayalogo kung ayaw na nitong makipag-usap pa sa Malakanyang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply