Panukala vs local terrorists dapat isabatas

ANG pagkakapatay ng mga operatiba ng Estados Unidos sa international terrorist chieftain na si Osama Bin Laden ay hudyat na upang pagtibayin ang mga batas sa pagsugpo ng terorismo, ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman.

Partikular niyang tinutukoy ang matagal nang naantalang  ang House Bill No. 98 na may titulong, “An Act Defining and Penalizing Enforced or Involuntary Disappearance and for Other Purposes.”

“This development also exposes the long delay in the enactment of the bill criminalizing enforced disappearance, which is an act of state terrorism against political activists and dissenters. Involuntary disappearance is committed by the State or agents of the State,” ani Lagman nitong Lunes.

Dahil dito, hinimok nito si Pangulong Benigno Aquino III na sertipikahan bilang prayoridad na panukala ang HB 98.

Ang panukalang ito ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa ika- 14 na Kongreso.

Bagama’t naratipikahan na umano ng Senado ang panukala ay nabigo naman ang Kamara de Representantes na ito ay maaksyunan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply