Papalit na Ombudsman oks kahit ‘di galing sa LP

HINDI lamang sa loob ng Liberal Party matatagpuan ang isang patas at magaling na Ombudsman bilang kapalit ng nagbitiw na si Merceditas Gutierrez.

Ani Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Rep. Sherwin Tugna, maraming kuwalipikadong Ombudsman sa labas man ng opisina o hindi man kaalyado ng administrasyong Aquino basta may kapasidad at integridad para pamunuan ang Ombudsman.

“If we can find the perfect candidate outside of President Aquino’s circle, why not. We can expect that the qualification of integrity will have many colors and will be defined differently depending on who will be judging the candidate,” dagdag ng mambabatas.

Ipinunto pa ni Tugna na mahalaga na ang itatalagang Ombudsman ay legal expert ngunit kailangan din  may pagmamahal ito sa trabaho at kaukulang kagamitan para labanan ang korupsyon.

“And we have that somewhere, if we only know where to look and if we are only sure what kind of animal we want for the job,” pahayag ni Tugna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply