Paparetirong pulis todas sa ‘riding-in-tandem’

TODAS ang isang paparetirong pulis matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong lalake na riding-in-tandem kagabi sa bayan ng Cainta, Rizal.

Kinilala ni Rizal Philippine National Police director, P/Sr. Supt. Manuel Prieto, ang biktima na si PO2 Henry Florendo, 40, may asawa, ng #146 Cabrera Rd. Brgy. Dolores, Taytay, Rizal at nakatalaga sa Provincial Internal Affairs Service (Pias) ng Rizal PNP.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng itim na Honda Wave motorcycle na walang plaka matapos ang pamamaril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:35 ng gabi sa sulok ng A. Bonifacio Ave. at Dr. San Juan St., Barangay San Juan, Cainta.

Nabatid na tumutulong sa pagkakarga ng tangke ng LPG sa harap ng kanilang tindahan ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na kapwa armado ng short firearms.

Agad na pinagbabaril ng suspek ang biktima nang at biglang tumakas matapos sinigurong patay na ang huli.

Ayon sa asawa ng biktima, nagpaplano nang magretiro ang biktima dahil sa dami ng natatanggap na banta sa kanyang buhay kaugnay ng mga kasong hinahawakan nito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply