Papremyo sa Grand Lotto 6/55 bigong mabingwit

HINDI pa rin nasusungkit hanggang ngayon ang papremyo sa jackpot sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Lumabas ang number combination na 06-24-53-36-11-27 sa pagbola kagabi, kung saan may katumbas itong premyo na umaabot na ng P175,436,870.40.

Wala ring nanalo sa 6/45 Megalotto, na ang six digit number combination ay binubuo ng 44-18-06-11-39 at 34 at ang premyo ay umabot sa P24,734,367.00.

Matatandaang napanalunan noong Nobyembre ng taga-Olongapo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng P741,176,323.20.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply