Para lang di machurva si misis: TV host nagkunwaring busy sa kanyang laptop

KAWAWA ang misis nitong si TV host. Ilang taon na silang kasal ngunit hanggang ngayon wala pa rin silang supling.

Kung meron mang mga batang makikita sa kanilang balay, ito’y mga ampon lamang nila.

Bakit nga ba, ganun? Hindi naman daw baog si TV host.

Well, ano pa nga ba ang dahilan? Hhmmmm..your guess is as good as mine. Tumpak! Paano nga namang mabubuntis ang kanyang esmi gayong wala namang churvahang nangyayari.

Ayon pa sa ating DPA (deep penetration agent), mas gusto pa raw butingtingin ng bida natin ang kanyang laptop kesa kalikutin ang kanyang asawa.

Bulong nga sa atin ng isa sa kanyang mga ayudante, “Bossing, wala nang ginawa ‘yang boss natin kundi ang mag-internet kapag wala siyang mga lakad.”

“Tulog na tulog na si maam pero siya gising pa.”

“Nagugulat nga kami dahil may mga mensahe kaming natatanggap mula sa kanyang FB account. Isipin n’yo, 4:30 a.m. nagtsa-chat pa s’ya?” Tuloy-tuloy na chika ng ating source.

Ganun?

Kaya pala kung umatake ang alta-presyon ng lolo natin ay umaabot sa 200/200 ang bp. At kahit isang dakot na anti-hypertension tablet na ang nilaklak nito ay hindi pa rin daw bumababa ang kanyang high-blood.

Grabe, ano kaya ang pakiramdam niya, nasa bangka siya at naglalakbay sa karagatan?
Aba’y kung ganyan ang basa ng dugo mo, talo mo pa ang nakalaklak ng ilang bote ng alak.

Anyway, bakit nga ba ayaw tabihan ni TV host si misis gayong seksi at maganda naman ito?

Hindi n’yo ba talaga alam ang dahilan?

Kayo naman, ano pah nga ba ang rason kundi hindi ma-take ng lolo n’yo ang makaniig ang pinakasalan n’ya dahil unang-una, front lang niya ang naturang matrimonya at si misis siyempre, upang maitago ang kanyang kabadingan.

Mas gusto pa nga nitong ang kasama niya sa araw-araw ay ang kanyang mga bodyguard na mga macho at gwaping.

Isa sa mga close in security niya ang sobrang dikit na dikit sa kanya at ito pa ang may hawak ng kanyang cell phone-‘yun na si papa! Kuha n’yo? Hehehe!

Wala nang clue. Ang dami n’yang mga kabig eh. Kasyokot.

***

Walang silbing BF

EWAN natin kung bakit nagka-siyota pa itong aktor na itech, eh, hindi naman niya magawa ang obligasyon n’ya sa kanyang girlfriend.

Parang gusto kong kurutin sa singit ang kumag na ito para mahimasmasan. Pang-display lang ba nito ang siyota niya?

Aba’y kawawa naman ang karelasyon n’ya. Hindi na ito nakakapag-bonding sa sarili niyang pamilya dahil sa kabubuntot sa kanya. Panay pa ang tawag sa kanya pero madalang naman niyang sagutin. Rason n’ya, busy. Saan, sa lalake?

Gayunman, ang lahat ay may hangganan. Kapag itong siyota niya ay nakakuha ng ibang BF na mas matikas at lalakeng-lalake, goodbye, papa.

Baka mabulgar pa ang pinakatagu-tago niyang mga lihim. Ikaw din, papa. Hahahaha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply