Parak binoga sa Cubao

ISANG parak ang namatay makaraang barilin ng nakasagutang village official sa Cubao, Quezon City, Biyernes ng gabi, Mayo 6.

Ayon sa inisyal na ulat, nakilala ang pulis na si PO3 Jose Dequilla, habang sugatan din ang suspek na si Dionisio Desierto na sumuko makaraan ang pamamaril.

Ayon sa report ng dzBB kay Desierto, councilor ng Brgy. Kaunlaran sa Cubao , dinepensahan lamang niya ang kanyang sarili sa naturang pulis.

Nabatid pa na tinangka umano ni Dequilla, na nakadestino sa Quezon City Police District Station 7, na barilin si Desierto makaraan ang mainitan nilang pagtatalo.

Samantala, sinabi naman ni Metro Manila police director Chief Superintendent Allan Purisima, na nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa naturang pangyayari.

“Iimbestigahan natin yan at ina-assure natin ang mamamayan ang investigation natin ay fair. Hindi natin tatakpan ano ang nangyari, aalamin natin lahat na katotohanan dito,” ayon kay Purisima sa isang panayam sa dzBB.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply