Parak itinumba ng NPA Sparrow Unit

BINOGA at napatay ang isang parak nang tambangan ng mga hitmen ng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon.

Dead on arrival sa Gubat District Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si SPO1 Antonio Furio.

Sa ulat na nakarating sa camp Crame, naganap ang insidente dkaong alas 5:30 Martes ng hapon, Mayo 17, sa Barangay Poblacion sa Barcelona, Sorsogon.

Nabatid na dumalo ang biktima sa kanilang alumni homecoming na ginanap sa Barcelona Comprehensive National High School nang tatlong miyembro ng NPA’s hit group na tinaguriang Sparrow Unit ang lumapit at pinagbabaril ang biktima.

Tumakas naman agad ang mga salarin na humalo sa pagtakbo ng mga taong nasa okasyon.

Nakarekober ang pulisya ng tatlong basyo ng 9mm handgun at dalawang basyo pa ng .45 pistol sa pinangyarihan ng krimen.

Hinabol naman ng rumespondeng pulis ang mga suspect sa Barangay San Isidro pero hindi na inabutan pa ang mga rebelde. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply