Parak, misis tiklo sa shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng PNP ang isang parak kasama ang kanyang misis matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa mismong bahay ng mga ito sa Dipolog City.

Nakuha sa mga ito ang ipinagbabawal na droga, mga baril at bala.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, Command  Operation Center sa Camp Crame, inaresto PO1 Alexander Lapinig, 38, aktibong miyembro ng PNP at kasalukuyang nakadestino sa Provincial Headquarters Service Group ng Camp Hamac Sicayab ng nasabing lungsod.

Kasamang nadakip ang mismong asawa nito na si Reola Lapinig, 36, sa kanilang tahanan sa Barra Dipoloc City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, positibo umanong nabawi mula sa dalawa ang dalawang P500 cash na marked money.

Ilang oras kasunod ng buy bust operation ay isinilbi naman ang search warrant No. 02-2011 na pinalabas ni  Hon. Judge Chandler Ruiz ng RTC Branch 10.

Nakuha mula sa bahay ng mga suspek ang P1,224 na hinihinalang kasama sa kinita sa pagbebenta ng shabu,  isang Elisco M-16 armalite rifle, dalawang magazine na may live ammunitions, dalawang magazine ng 9mm caliber pistol na may live ammunitions, isang rolled aluminum foil, stainless forceps, tatlong scissor, plastic container na naglalaman ng aluminum foil strips, posporo, 10 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline granules na pinaniniwalaang shabu, limang disposable lighter, kandila na may sunog sa dulo, tatlong empty plastic sachets at dalawang maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline granules na pinaniniwalaang shabu.

Naka-detine na ang mag-asawa sa detention cell ng Dipolog PNP Police station habang hinihintay ang kasong isasampa laban sa kanila. Verlin Ruiz

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply