Parak nilikida sa Bacolod City

PATAY ang isang kagawad ng Philippine National Police na hinihinalang nilikida ng malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin Martes ng madaling araw, Mayo 31, Bacolod City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame PNP-Command Operation Center bandang 3:00 ng madaling araw nang isinagawa ang krimen sa loob ng Dona Juana Subdivision sa may Barangay. Taculing ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay nakilalang si PO1 Robert Epinosa, 25 at residente ng Puentevella Subdivision, Brgy. Taculing, ng nasabing siyudad at kasalukuyang nakatalaga sa Regional Mobile Group na naka-deploy sa Bacolod Police Station 1.

Binawian ng buhay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Bacolod Adventist Medical Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Nabatid na sinaklolohan lamang ang biktima ng isnag tricycle driver nang makita itong nakahandusay sa gilid ng daan sa tabi ng kaniyang motorsiklo matapos marinig ang isang putok.

Dahil dito, agad na dinala ng drayber ang biktima sa nasabing pagamutan.

Sa report ni P/Chief Insp. Placido Gentoleo, hepe ng Bacolod Police Station 6, lumalabas na personal na galit o away ang motibo  sa pagpaslang sa naturang pulis.

Sinasabing bago naganap ang pamamaslang ay may nakatanggap ng banta sa buhay si PO1 Espinosa kung saan ay lumalabas na nagsagawa pa ng surveillance ang salarin sa kilos ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply