Parañaque bomb squad ensayado ngunit salat

AMINADO ang pamunuan ng Parañaque City na kulang sa mga kagamitan ang kanilang Explosive and Ordnance Division (EOD) para matunton at marekober ng pampasabog o bomba sa lugar na nasasakupan.

Ayon kay Parañaque City police chief  Senior  Supt. Nestor  Pastoral  na  kulang  pa  ang  mga  kagamitan, tulad ng anti-bomb suit ng EOD personnel, sniffing dog, at detector para masuri ang nilalaman ng isang kahon kung ito ay naglalaman ng bomba.

Ang anti-bomb suit ay isinusuot bilang proteksyon ng mga miyembro ng bomb squad na rumeresponde at nagtse-check sa mga unattended  baggage na may posibleng lamang pampasabog.

Sa  pagresponde Biyernes ng umaga ng bomb squad ng Parañaque police sa  suspected explosive device sa Baclaran, ordinaryong  uniporme  lamang  ang kanilang suot.

Lubhang delikado umano ito kung sakaling magpositibo sa bomba at kung sumabog ito habang sinusuri

Mano-mano  rin ang ginawang pagsusuri ng mga bomb squad dahil sa kawalan ng  K9 unit na siya sanang susuri sa hinihinalang bomba.

Mabuti na lamang at negatibo sa eksplosibo ang nakitang bagahe na nadiskubre sa bangketa ng Taft Ave. Ext., Parañaque City, dakong alas-diyes ng umaga.

Tanging mga pinaghubarang damit at mga nagtututong na panty at bra ang nilalaman ng bagahe.

Ang bagahe ay nagdulot ng malaking pagkakabahala mga bystander at mga tindera, na nag-akalang bomba ang iniwanan sa bangketa ng mga hinihinalang terorista bilang protesta sa pagkamatay ng lider ng Al-Qaeda na si Osama Bin Laden.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply