Parang little Erap na si Sen. Jinggoy Estrada

GINAWARAN ang ating Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ng Most Outstanding Government Service Award sa katatapos lamang na  42nd Box Office Entertainment Awards presented by the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Ginanap last May 10 sa RCBC Plaza, Makati City ang nasabing awards night at ang nasabing kategorya (Government Service Award) ay nagpapahalaga sa mga pinakasikat nating manlalaro maging sa movie, TV, recording at concert scenes.

Ayon kay  Mrs. Corazon Samaniego, President ng Guillermo Foundation, pinili nila si Sen. Estrada for his “invaluable service to the government and the Filipino people and his untainted record and meaningful projects throughout his political term” spanning more than two decades.

Tinatanaw din ng nasabing foundation ang patuloy na commitment at suporta ng butihing senador para matulungang i-uplift ang entertainment industry.

Ilan sa mga nakaraang awardees ay kinabibilangan nina Vice President Noli de Castro, Batangas Governor Vilma Santos-Recto and Sen. Estrada’s father former President Joseph Estrada.

Sinabi ni Senador Jinggoy sa kanyang talumpati: “I thank the Guillermo Foundation for choosing this humble representation for such high honors. I am happy that as I receive my very first award in public service as a Senator, I am in the company of my friends and colleagues in the entertainment industry. That makes it even more special.”

***

Sa May 17 na ang ika-34 Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino  sa Marriot Hotel. Ang Cinema One channel ang katuwang ng Gawad Urian sa pagsasa-ere ng nasabing event hosted by Butch Francisco at Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Kapansin-pansin na halos lahat ng Best Picture nominees ay galing sa indie films gaya ng mga sumusunod:  Amigo (Anarchists’ Convention Films), Ang Damgo ni Eleuteria (Creative Programs,Inc. Panunmduman Pictures), Ang Mundo sa Panahon ng Yelo (Cinemalaya Foundation, Sampaybakod Productions), Chassis (Happy Gilmore Productions, Cinemalaya Foundation), Halaw (Cinemalaya Foundation, Los Peliculas Interna Studio), Limbunan (Cinemalaya Foundation, Bidadali House Productions), Noy (Cinemedia Films, Inc., VIP Access Media Productions, Sta Cinema Productions), Sheika (Cinemalaya Foundation, Skyweaver Production,HydeOut Entertainment, Alchemy of Vision and Light and TV Film Productions) at Tsardyer (Creative Programs, Inc., Lasponggols Collective).

Pati sa Best Actor/Best Actress Nominees, pulos galing sa indie films.

Best Actor:  John Arcilla (Halaw), Perry Dizon (Sheika),  Ronnie Lazaro (Ishmael), Sid Lucero (Muli), Coco Martin (Noy), Pen Medina (Layang Bilanggo), Sam Milby (Third World Happy), Fanny Serrano (Tarima) at Joel Torre (Amigo).

Rita Avila (Magdamag), Mercedes Cabral (Gayuma), Donna Isadora Gimeno (Ang Damgo ni Eleuteria), Laurice Guillen (Karera), Fe GingGing Hyde (Sheika), Ces Quesada (Magkakapatid), Jodi Santamaria (Chassis), at Meryll Soriano (Donor).

Nakapagtatakang wala si Ai Ai sa mga nominees, gayung best actress ito sa nakaraang MMFF?
Nakakalokah talaga ang choices ng Urian sa iba nating award-giving bodies.

Hindi kaya ikalaki ng ulo ni Coco Martin na isa siya sa tatlong awardee ng Urian bilang Dekada Awards Actors of the Decade? Kung ganun, talbog ang mga dekada actors na nating sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz na wala nang masasabi pa kung aktingan man lang ang pagbabasehan.

Along with Coco, sina Ms. Gina Pareno, at Cherrie Pie Picache ang katuwang ng aktor sa nasabing prtestigious award ng Manunuri.

Igagawad ang nasabing awards this May 17, sa 34th Gawad Urian  Awards sa Marriot Hotel.

Ang Urian ay masasabing may “bagong tahanan” na dahil sa pagsanib ng Cinema One sa nasabing award-giving body. Ang Urian ay binansagan ding Philippine version ng New York Film Critics Circle na taunan ding nagbibigay-parangal sa mga celebrities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply