Parangal kay Pacman iginiit ng Senado

ISANG resolusyon na naman ang inihain sa Senado para muling bigyan ng parangal si Manny Pacquiao kasunod ng kanyang panalo laban kay Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada kahapon.

Ayon sa may akda ng resolusyon na si Senador Juan Miguel Zubiri,  muling nagbigay ng karangalan si Pacman sa Pilipinas at dapat aniyang bigyan muli ng pagpupugay ang pound-for-pound king lalo’t pinag-isa nito ang taumbayan sa kanyang laban.

Binigyang diin ni Zubiri na inalay mismo ni Pacman ang kanyang laban kay Mosley para sa pagkakaisa  kung saan muling ipinakita nito sa buong mundo ang pagiging maka-Diyos ng mga Pinoy.

Nauna nang sinabi ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., ang tagumpay ni Pacman para depensahan ang kanyang korona ay patunay lamang na kaya ng mga  Pinoy na makamit ang anomang hangarin basta’t nagsusumikap.

“His latest victory showed that we Filipinos can achieve anything only if we put our minds and hearts being to our goal.  Pacquiao is undeniably an inspiration to our countrymen,” ani Revilla.

Sinabi naman ni Senadora Pia Cayetano na dahil sa ipinakitang tapang at lakas ni Pacquiao sa laban niya kay Mosley ay walang kwestyon na ang pound-for-pound king ay ang totoong People’s champ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply