Pari todas matapos sumisid

BIYERNES Trese namatay ang kura paroko ng Our Lady of Salvacion Parish sa bayan ng Ragay, Camarines Sur Dahil sa scuba diving.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame  mula kay P/Chief Insp. Alejandro Monghe, hepe ng Pasacao PNP, kinilala ang biktima na si Father Ariel Sumpay, 39, na taga Barangay Mataorok Minalabac.

Nabatid na  ang biktima kasama ang kapwa pari nito na si Father Pitpit, ilang kaibigan at grupo ng diving team ay nagtungo ng Pasacao para sa kanilang scuba diving lesson.

Sinasabing nag-scuba diving ng 96 feet below sea level ang biktima kasama ang kanyang diving instructor nang bigla na lamang itong magreklamo na kakapusan sa supply ng oxygen sa karagatanag sakop ng Barangay Balogo.

Agad namang dinala sa Municipal Health Office ang biktima upang lapatan ng first aid sanhi ng kawalan ng sapat na supply ng hangin sa katawan.

Dahil sa kawalan ng sapat na medical facilities ay ipinasyang ilipat sa Mother Seton hospital ang biktima subalit ito ay idineklara na dead on arrival.

Hinihintay naman ng pamilya ang resulta ng autopsy report sa kamatayan ni Sumpay. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply