Parking slots ng mga residente kinamkam ng PRC

NGAYON ay tingnan natin itong kasibaan ng management ng Professional Regulation Commission (PRC) sa mga parking slot sa Morayta, Sta. Cruz, Manila. Sa kuwento ng nagreklamo, sa bawat tapat ng bahay ay may nakalaang parking slot, depende kung ilan ang ibibigay ng barangay.

Sa reklamo ng isa sa  mga taga-Morayta, matagal na nilang ginagamit ang ibinigay na 5 parking slot.

Katunayan daw ay matagal na rin nilang binabayaran ang overnight parking fee nito sa City Hall ng Manila.

Halos matagal-tagal na rin nilang ginagamit at binabayaran sa City Hall ang parking slot na binigay sa kanila ng kanilang barangay.

Noong una raw ay naki-parking sa kanila ang management ng PRC pero ‘di kalaunan ay nakiusap na rin sa kadikit nilang kagawad para malapitan nila si Barangay Tserman Lorie Punzalan para makahingi tuloy sila ng parking slot.

Kaagad namang pinagbigyan ni tserman ang kahilingan ng PRC at binigyan  kaagad sila ng Memorandum of Agreement (MOA) sa 7 parking slot  sa tapat nila.

Ang masakit nito, nagulat ang mga residente ng Morayta na ‘yung dating  7 parking  slot na ibinigay sa PRC ng barangay ay naging 30 slots.

Pati yung 5 parking slot nila na pinakikiparkingan lang ng PRC ay napunta na rin sa kanila.

Ang balita ko, lumapit daw ang PRC sa Mantika, Toyo, Patis at Bawang (MTPB) kaya naman nagkaroon ito ng maraming slot.

Magkano kaya ang napunta sa bulsa ni MTPB chief Nancy Villanueva?

E ang ugong-ugong  kasi, ang “striker” ni Villanueva na isang  Alex Constantino ng night parking ang nilapitan ng PRC para sa maraming slot.

Totoo ba ito, Miss Villanueva? Kung hindi, dapat ay imbestigahan ninyo ito dahil pangalan ninyo ang nakakaladkad dito!

Anomang reklamo o puna, itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o e-mail juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply