Parusahan ang mga pekeng testigo– Lacson

MABIGAT na parusa sa mga nagpapanggap na testigo at sa mga opisyal na humihikayat dito ang isusulong ni Senador Panfilo Lacson.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na inihain ni Lacson sa ilalim ng Senate bill 2803 na naglalayong pagmultahin ng P1 milyon ang nagpapanggap na testigo samantalang pagsibak sa tungkulin naman ang kakaharapin ng opisyal ng pamahalaan na humikayat dito.

Iginiit ni Lacson na maraming mga inosente ang nagdurusa sa kulungan sa pagkakasalang hindi naman nila ginawa dahil na rin sa mga nagpapanggap na mga testigo.

“The assertion of falsehood, under oath of affirmation, is becoming prevalent. False testimonies and sworn statements are sometimes being used to support malicious complaints with the intent of harrassing and persecuting innocent person. This perniciopus practice is aimed not only to harass innocent personts but put them behind bars and make their families suffer,” pahayag ni Lacson.

Binigyan diin pa ng senador na bagamat ang testimonya ng testigo lalo na ang mga eyewitness ang pinaka-crucial sa pagdinig sa korte ay minsan naiisantabi ito.

At ang pinakamasakit, ani Lacson ay kung itatago at hindi nailalaban ng isang public prosecutors ang pagiging inosente ng isang akusado laban sa mga nagpapanggap na testigo.

“The prevalence of untruthful testimonies and statements may not be possible if only public officials and employees are responsible enough and in their vigilance in their quest for the truth, should uphold the rule of law and not their thirst for victory at the expense of another. However, it is distressing that sometimes it is the public officials and employees themselves who encourage, induce or even force a person to assert falsehood under oath,” anang senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply