Pasahe sa LRT hindi itataas sa pasukan

HINDI magtataas ng pasahe ang LRT sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Sa ginanap na pagdinig ng House committee on transportation and communication, ikinatuwa ng mga kongresista ang pagtitiyak ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na walang pagtaas sa pasahe ngayong pasukan

Ngunit nilinaw naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño, na wala mang pagtaas sa pasahe ng LRT ngayong pasukan ay patuloy ang banta ng fare hike anumang araw.

“We are happy that the LRTA has informed the House of Representatives in this morning’s hearing that there will be no fare hike for the coming school opening.  however, we are  still deeply worried that the onerous provisions of the MRT3 BLT contract  remain unchanged,” ani Casiño.

Ipinaliwanag ng kongresista na patuloy na nagbabayad ang pamahalaan ng P5.3 milyon kada taon dahil sa pagkakautang ng nagdaang pribadong may-ari.

“Worse, governmentt is planning to pay a new private entity P15 billion a year to run the system.  Hindi nga tinaas ang pasahe pansamantala pero tiyak na lulundag later on,” giit pa ni Casiño.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply