Paslit ginahasa ng embalsamador

ISANG apat na taong gulang na batang babae ang sinasabing hinalay ng isang embalsamador sa Lungsod ng Koronadal.

Sa ulat na nakarating sa PNP Central Operation Command sa Camp Crame, naganap ang krimen Sabado ng gabi, Mayo 21, sa loob ng boarding house ng suspek .

Kinilala ang suspek na si Gerald Subere, 19, embalsamador.

Lasing na lasing umano ang suspek at puwersahang ipinasok sa kanyang tinutuluyan ang biktima.

Sa imbestigasyon ng Koronaldal PNP ay sinasabing sinuntok, sinakal at tinakot pang gigilitan ng leeg ang bata bago isinagawa ang panghahalay.

Agad namang nadakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape, habang nasa pagamutan ang bata na lumalabas na positibong naging biktima ng panghahalay matapos ang isinagawang medical legal examination.

Nang isinailalim sa medical check-up ang biktima, nakitaan ito ng laceration sa kanyang ari na patunay umano na ginalaw ang bata. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply