Paslit patay sa sunog sa Maynila

PATAY ang isang batang lalaki makaraang matusta nang masunog ang residential area sa Sampaloc, Manila, Miyerkules ng umaga, Mayo 4.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng arson investigators ang katawan ng nagngangalang “Adam” sa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa Miguelin corner Florentino Street, Sampaloc.

Ayon sa report ng dzBB, una nang napaulat na nawawala ang bata bago natagpuan ang kanyang bangkay na nabatid na na-suffocate ng usok na ikinasawi nito.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang 9:12 a.m. at tinupok ang apat na bahay na yari lamang sa kahoy sa Miguelin St., Sampaloc at naapula lamang matapos ang mahigit 30 minuto.

Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply