Passport applications pinadali ng DFA

HINDI na magiging pasakit sa mga passport applicants ang mahabang pila at pabalik-balik na pagpa-follow-up ng aplikasyon ng pasaporte makaraang ilunsad ng Department of Foreign Affairs-Officer of Consular Affairs’ ang Passport Tracking Service (PTS).

Ayon sa DFA, ang PTS ay inisyatibo ng consular affairs’ office para hindi na mahirapan pang pumila at magtungo sa DFA office ang mga aplikante para lamang alamin ang estado ng kanilang passport applications.

Sa pahayag ng DFA, sa pamamagitan lamang ng pagbisita ng mga passport applicants sa website ng DFA ay malalaman na nila kung kelan ang release ng kanilang pasaporte at hindi na kailangang magpabalik-balik sa ahensiya para mag-follow-up.

Para mapuntahan ang website, bisitahin lamang ang www.dfa.gov.ph at iklik ang PTS icon saka ibigay ang mga kailangang impormasyon tulad ng:

Full name (First, Middle, Last)
Date of birth
Cellular phone number and e-mail address
Date of filing
Date of release
Amount paid
For pick-up or courier service (name of courier)

“After typing and encoding the information required, applicants will receive a response to their PTS queries through text message or SMS (short messaging system), or an e-mail within two working days upon receipt of such online request,” ayon pa sa DFA.

Inilunsad ng DFA ang PTS makaraang makatanggap ng tambak na reklamo hinggil sa mabagal na proseso ng aplikasyon ng pagkuha ng pasaporte, bukod pa sa mahabang pila na minsan pa umano ay nasasayang lamang ang oras ng aplikante lalo kapag hindi pa naman iyon ang araw ng pagre-release ng kanilang pasaporte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply