Patay kay ‘Bebeng’ 35 na

UMAKYAT na sa 35 katao ang naitatalang nasawi sa nakaraang pagsalanta ng bagyong Bebeng.

Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa bilang ng fatalities, mayroon pa umanong dalawang katao na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Matatandaang napaulat na lumobo na rin sa P1.370 billion ang halaga ng nasirang ari-arian dahil sa bagyo.

Sa kabuuan, mayroong 83,193 pamilya o 430,081 indibidwal ang nasalanta ng malakas na ulan na dulot ng naturang sama ng panahon.

Sentro ng hagupit ni “Bebeng” ay ang ilang bahagi ng Visayas, Bicol at southern at northern Luzon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply