Patay kay Bebeng 24 na

UMABOT na sa 24 ang bilang na nasasawi makaraang manalasa ang bagyong Bebeng.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nadagdag sa listahan ng fatalities ay isang 12-anyos na batang lalaki sa Libon, Albay, na sinasabing natuklaw ng ahas sa kasagsagan ng bagyo at isang ginang sa Camarines Sur, na namatay naman matapos atakehin sa puso.

Kaugnay nito, naitala naman ng NDRRMC ang limang katao na sugatan at isa ang nawawala habang nasa evacuation center pa rin ang may 6,409 katao.

Samantala, sa latest weather advisory ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Bebeng sa layong 450 kilometro sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes (23.5°N, 125.4°E).

Taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 65 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 80 kph.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply