Patay sa bagyong ‘Bebeng’ nasa 33 na

UMABOT na sa 33 katao ang namatay sa pananalasa ni bagyong Bebeng sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 33 ang namatay habang pinaghahanap naman ng awtoridad ang dalawa pang nawawala.

“Majority of the causes of deaths were due to drowning and landslides,” ayon sa NDRRMC.

Kaugnay nito, naapektuhan ang 83,193 pamilya o 430,081 indibidwal at mahigit P1 bilyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa pananalasa ni Bebeng.

Kabilang sa mga binayo ni Bebeng ay ang ilang bahagi ng Visayas, Bicol at southern at northern Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply