Patrimonio sisters agaw pansin sa PNG

BACOLOD CITY – Tulad ng inaasahan, mga bagong mukha ang umagaw ng atensiyon subalit hindi napigil ang pagkinang ng malalaking pangalan sa sports kabilang na ang world women’s billiards champion,  Olympian archers at ang Patrimonio sisters sa tennis sa pagpapatuloy ng aksiyon sa POC-PSC National Games dito.
Dinomina nina Clarise at Christine, anak ng pamosong basketball icon na si Alvin Patrimonio, ang women’s tennis event matapos magtunggali sa finals na pinagwagian ng mas nakababatang si Clarise, 6-4, 6-4.

Kinuha rin ng magkapatid, pundasyon ng National U sa UAAP tennis season, ang gintong medalya sa women’s doubles kontra sa tambalan nina Marian Capadocia at Tamitha Nguyen,  6-7, 6-4, 6-3.

Kapwa sumailalim sa matikas na pagsasanay ang magkapatid sa Spain na nagresulta sa pagtaas ng kanilang kumpiyansa at posibilidad na madomina ang local tennis sa sususnod na mga taon.

Nakuha naman ng sumisikat ding si Elbert Anasta ang gold sa men’s singles kontra kay Israel Abarquez ng Cebu, 6-4, 6-3, bago ito nakipagtambalan kay Juvan Divinagracia para sa doubles gold kontra kina Leander Lazaro  at Leo Talatayod, 3-6, 6-4, 6-4.

Sa women’s 9-ball finals ng torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Smart, Scratch It, Go for Gold, P&G at Summit Mineral Water, nangibabaw ang husay ni 2009 World champion Rubilyn Amit kontra sa kapwa nationals na si Mary Anne Basa, 11-7, habang natumbok ni Jeff Luna ang ginto sa men’s side kontra  kay Delfin Tugado, 11-8.

Nagpamalas naman ng kahusayan sina Olympian Mark Javier at Jennifer Chan sa natudlang double gold sa archery event.

Nakopo ni Chan ang gold sa women’s compound senior 50m sa 335 puntos at ang compound senior single fita sa iskor na 1363 puntos. Sumegundo sa kanya sa dalawang event ang dati ring kampeon na si Joan Tabanag (323 at 1331).

Sapol naman ng 29-anyos na si Javier, pambato ng bansa sa Beijing Olympics, ang men’s recurve single fita (1256) at recurve  50m (314).

Sa wushu competition sa Negros multi-purpose hall, nakuha ni Denver Parantac , coach sa University of Baguio, ang ginto sa Nan Quan discipline kontra sa estudyante niyangh si Thornton Sayan sa nakuhang 9.05 puntos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply