Paulit-ulit na mga tanong sa RH bill iwasan -SB

IWASAN na ang paulit-ulit na mga tanong sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill, pakiusap ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte.

Upang maiwasan ang ganitong senaryo sa plenaryo ay pupulungin ni Belmonte ang mga pro- at anti-RH bill upang malimitahan ang oras ng interpelasyon sa pangunahing may-akda na si House Minority Leader Edcel Lagman.

Ito na ang pang-limang Kongreso na tumalakay sa kahalintulad na panukalang batas  na unang inihain ng anak ni Edcel Lagman na si Rep. Krisel Lagman-Luistro noong 1998.

Ayon naman kay House Majority Floor Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales Jr., karaniwan lamang na maging paulit-ulit ang pagtatanong pagdating sa debate sa plenaryo.

Samantala, kagabi ay inabot ng halos apat na oras ang interpelasyon ni Manila Rep. Amado Bagatsing na sinundan naman ni Cebu Rep. Pablo Garcia.

Paulit-ulit na nililinaw ni Lagman na “ang lahat ho ng pag-aaral, ng United Nations, ng international community, at dito sa atin sa Pilipinas, ay nagsasabi na ang contraceptives ay hindi abortifacient” o hindi nakakapag-abort ng batang ibinubuntis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply