Heart tumangging muling makatambal si Echo

KAPAG nagbiro nga naman ang pagkakataon, hindi puwedeng di mo lalamunin ang mga nasabi mo na.

Gaya ni Heart Evangelista na noon pa man, sumumpang di na kailan bubuti ang relasyon nito kay Jericho Rosales na naging ka-live-in BF niya for so long. Nagkahiwalay sila at nagawang mag-iwasan nang matagal pero heto, parang pilit silang pinagtatagpo ng kapalaran.

As we all know, Heart is now doing well with Daniel Matsunaga. Ang Brapaneze hunk ang nagme-may ari ng kanyang puso at lahat ng trabaho ngayon ni Heart ay alay niya para sa dinidiyos na lover.

Did you know, all set si Heart na sumama sa Brazil sa katipan at doon maglalagi sila? I wonder kung sa ibang bahay tutuloy si Heart o magkasama sila sa iisang bahay sa Brazil. But that is going too far now, huwag na muna nating isipin if the two are sharing an adult intimate relationship gaya ng sinabi ni Jennylyn Mercado that she and Dennis Trillo often shared such.

Kailan lang, parehong pumirma ng kontrata sa Regal Films sina Heart at Daniel. Nakita raw ni Mother Lily ang kanilang potensyal bilang hitmakers sa pelikula kung kaya she signed up the two.

“Although she already won an award for our ‘Mano Po 6’ and she’s in ‘Temptation Island’, it’s only now that she becomes officially a Regal baby,” sabi pa ng Regal mogul. “My daughter Roselle and I were so impressed with her professionalism in ‘Temptation Island’ kasi location is far, mainit ang desert, and she’s not feeling well, shoot pa rin siya without complaints. And she’s perfect as the virginal Virginia originally played by Dina Bonnevie. We now have big plans for her.”

Di ba sa Viva Films na si Heart? “Yung sa Viva, sa endorsements ko lang,” paglilinaw nito.

Since her BF Daniel Matsunaga is now also with Regal, Madera wants them to star in a love triangle drama with Heart’s ex, Jericho Rosales. “I already have a title, ‘Love, Must We Say Goodbye?’ O di ba ang ganda? Pag natuloy ito, it’ll be as big hit as the films Vilma Santos and Nora Aunor did for us in their heydays.”

Pero bantulot pa si Heart. Iisipin daw muna niya. “Okay lang with Daniel but yung isa…”

Di kaya natatakot lang itong baka muli na naman siyang mag-fall sa charms ng ex?

“No. Definitely not. But ang mga intriga.”

“This is the best time for you to show that you’ve moved on,” payo pa raw ni Mother Lily. “You’ll all do the film just as professionals. Trabaho lang. This will make you a real big box office star.”

O baka naman si Daniel ang ayaw? “I don’t really know. Let me think it over muna, Mother. Everything will just fall into place when the right time comes.

“Let’s see. We’ll pray over it muna.”

Tinanong naman kaya si Echo kung payag siya? Ang alam namin, like Heart, nasaktan din si Echo kaya posibleng puwede naman nitong palampasin ang ganitong pagkakataon. O baka nga mas may delicadeza pa si Echo na tanggihan ang muling pakikipagtambal kay Heart Evangelista.

What do you say, Abe Paulite?

***

Jhep Carlos produkto ng Hataw Superbodies

KAHIT nasa sexy genre pa, ipinagmamalaki namin si Jhep Carlos dahil graduate ito ng Hataw Bikini Superbodiues which Roldan Castro and I started in this publication’s sister tabloid, Hataw of JSY Publishing.

Last year, isa si Jay-C Santos sa mga humataw at kahit na runner up lang, napansin ng isang producer, ginawang Jhep Carlos at bida sa kasalukuyang indie movie na palabas sa maraming sinehan ngayon. Ito yung “Tubero” na talaga namang ipinakita ni Jhep ang sobrang alindog to the delight of the gay and female fans.

Ang maganda rito kay Jhep, talaga namang di niya kinalimutang minsan, isa siya sa mga humataw sa mga bikini contest at ito ang kinikilalang dahilan kaya napasok ang daigdig ng showbiz.

Welcome to the fold, Jhep Carlos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply