PBA All-Star Game raratsada sa Boracay

MAGHAHARAP ngayong hapon, Mayo 21, ang North team at South team sa pagpapatuloy ng Hala Bola! PBA 2011 All-Star Game sa Boracay Convention Center sa Boracay.

Ang banggaan ng dalawang koponan ay kasunod ng Legend Shootout alas-5:30 ng hapon. Ang North team ay tatanganan ni coach Renato “Ato” Agustin samantalang si Chot Reyes ang gagabay sa South team.

Tatangkain ng South team na makabawi sa 130-133 pagkatalo noong nakaraang taon. Magunguna sa koponan ni Reyes si reigning Most Valuable Player James Yap. Makakasama niya sina Jay Washington, Cyrus Baguio, Jimmy Alapag at Kelly Williams.

Habang ang North team ay bubuuin nina Willie Miller, Marc Pingris, Kerby Raymundo, Gabe Norwood, Alex Cabagot, Arwin Santos at Rabeh Al-Hussaini.

Tangan ng North team ang 5-4 kalamangan sa South team magmula ng pasimulan ang palaro noong 1992.

Samantala sa ginanap na 2011 Meralco Slam Dunk contest ng PBA All-Star Skills Challenge si Kelly Williams ng Talk N’ Text ang tinanghal na kampeon sa taong ito.

Ang TNT forward ay nakaharap ang rookie na si Rey Guevarra ng Petron sa finals kung saan 92 puntos ang naitala ng nagkampeong si Williams. Si Guevarra, dating kampeon sa collegiate league, ay nagpakita ng magandang simula sa final round subalit nabigo sa ikalawang pagtatangka sa mga kasunod na round.

Maituturing na kulang sa mga magagaling ang naganap na kompetisyon dahil wala sina Washington ng Petron at ang 2009 champion na si Gabe Norwood ng Rain or Shine na kapwa umatras sa huling minuto. Ang four-time winner na si KG Canaleta ng B-Meg Derby Ace ay hindi rin idinepensa ang titulo.

Si JC Intal ng Barangay Ginebra ay nakapagrehistro ng perfect score na 50 puntos sa kanyang two-hand reverse slam pero hindi nakasapat ito para makapanalo. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply