PBA All-Star Slam Dunk contest sa Boracay

SISIKAPING mabawi alinman kina ex-crown slam dunk king Gabe Norwood ng Rain or Shine Elasko Painters at Kelly Williams ng Tropang Texters na binabakante ng 4-time winner na si KG Cañaleta ang All-Star Slam Dunk contest sa All-Star skills challenge na sisimulan Biyernes ng hapon, Mayo 20, sa Boracay Convention Center, sa Isla ng dinadayo ng lokal at dayuhang turista.

Nagkampeon si Williams noong 2008 samantalang nakuha ni Norwood ang korona ng kasunod na taon. Si KG Cañaleta na dapat magdepensa sa 2010 titulo ay hindi lalahok sa contest sa taong kasalukuyan.

Ang iba pang manlalaro na magtatangka sa titulo ay sina Ronald Tubid at JC “The Rocket” Intal ng Baragay Ginebra, Jay Washington at Nonoy Baclao ng Petron Blaze at Elmer Espiritu ng Alaska Aces.

Matutuon ang atensyon ng mga manunuod kina Intal, Espiritu at Guevarra dahil sa kakayahan ng tatlong players bilang slam dunk champions sa UAAP-NCAA All-Star weekend.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply