PBA Game 5 katapusan na kaya ng banggaang Gin Kings at Texters?

WAKASAN na kaya at isukbit ng Tropang Texters ang korona ng PBA Commissioner’s Cup sa gaganaping ikalimang salpukan nila ng Ginebra Gin Kings ngayong alas-siyete ng gabi sa Araneta Coliseum?

Ito ang katanungnang pilit na sinasangsala ng mga fanatiko ng Barangay Ginebra na nananalig na lalong tumitibay ang koponan ni Coach Jong Uichico kapag nasasandal sa pader. Dito muling patutunayan ang do-or-die attitude ng Ginebra Gin Kings franchise.

Ayon naman sa mga tagasunod ng Tropang Texters na kung ang pagbabatayan ay ang tatlong panalo ng Texters: Game 1-102-83, Game-3 104-88 at Game 4 91-84 kumpara sa kaisa-isang panalo ng Gins sa Game 2 sa iskor na 108-106 ay malayong makaahon pa ang Barangay Ginebra na kakailanganin ang 3 sunod-sunod na panalo para maagaw ang korona sa koponan ni Coach Chot Reyes.

Batay sa record ng liga, nasa loob ng 35 taon, 2 koponan pa lang ang nakabuwelta sa 1-0 slate sa serye at ang kagulat-gulat dito ay kinasasangkutan ng isa ng Ginebra San Miguel laban noon sa Shell Team sa 1991 First Conference na sinundan din ng Purefoods Hotdogs laban sa Alaska Milk sa 2006 Fiesta Conference.

Kung magagawa ng Barangay Ginebra ang pangatlong pag-ahon sa Championship Series, ito ay susubaybayan ng mahigpit ng mga fanatiko ng basketball professional league simula ngayong gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply