PBA game no. 4 iigting ang bakbakan

SA KABILA ng 88-104 na pagsdsad ng Barangay Ginebra sa Tropang Texters sa out-of-town game na nilaro sa Puerto Princesa City sa Palawan noong Linggo, Mayo 1, na nagdala sa Talk N’ Text dribblers ni coach Chot Reyes sa 2-1 advantage sa best-of-7  finals ay hindi nasisiraan ng diskarte si Gin Kings’ coach Joseph Uichico sa muli nilang pagharap bukas ng gabi, Mayo 4, sa Araneta Coliseum.

Ang sitwasyong kinalalagyan ng Barangay Ginebra ngayon ay hindi na bago sa kanila na dahilan para pagsikapang makabalik sa laro at muling itabla sa 2-2 ang serye.

Sinalungat naman ni coach Chot Reyes ang opinyon ng mga taga-Barangay at tinitiyak niya ang pagtatala ng win no. 3 para mapatatag ang kumpiyansa ng kanyang koponan.

Nakasalig ang Texters sa magandang nilalaro nina import Paul Harris, Jason Castro, Ranidel de Ocampo at Jimmy Alapag partikular sa game no.3 habang sina Gins import Nate Brumfield, draftee John Wilson, spitfirish Mark Caguioa at ang nagbabalik galing sa laro na si Eric Menk ang inaasahan ng Barangay Ginebra na magbibigay suporta sa kanila. Radito Torres

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply