PBA games telecast nakuha ng TV5

NAKUHA ng Aksiyon TV5 ang isang 5-year contract para sa exclusive coverage ng Philippine Basketball Association (PBA) games simula sa 2011-2012 season na raratsada sa Setyembre.

Lumutang ang pinakahuling kaganapan kasunod nang pagbibitiw ng ABS-CBN sa nakatakdang bidding noong Mayo 27 na ayon sa pahayag ni PBA Commsssioner Chito Salud na iniharap na ang presyo ng bidding ng ABC na hindi tinukoy na halaga para sa ilalim ang kontrata sa loob ng limang taon na may based franchise fee na P900,000,000 para sa loob ng limang taong pangangasiwa ng coverage.

Nagpulong sina Salud at ang PBA managaement committee kasama si ABC chief operation officer Bobby Barreiro kung saan tinalakay ang mga importanteng bagay na kakailanganin para lalong higit na mapaganda ang pagpapalabas ng mga laro ng kauna-unhang professional basketball league sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply