PBA imports nagsisidating na

NAGSIMULA nang magsidatingan ang mga imported players ng mga PBA teams bilang paghahanda sa PBA Governor’s Cup na naka-schedule simulan sa susunod na buwan.

Si Curtis Stinson ng Iowa Energy na nagkampeon sa katatapos na NBA D-League season ang napisil ng PBA Commissioners Cup runner-up Barangay Ginebra, habang magbabalik naman sa Air21 Express si Alpha Bangura.

Napipisil ng Meralco Bolts na pabalikin si Champ Oguchi habang isang bagong mukha ang ihaharap ng Rain or Shine Elastopainters sa katauhan ni Arizona Reed na kagagaling sa laro sa Australian Basketball League.

Magbabalik sa Alaska si L.D. Williams habang isang P.J. Tucker ang ikinikunsidera ng Powerade Tigers, habang pinagpipilian pa ng Commissioner’s Cup champion sina Quincy Douby na dating naglaro sa Sacramento Kings at Scottie Reynolds ng Springfield Armors na nanggaling sa NBA D-League.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply