PBA imports sa Governor’s Cup

KANYA-KANYANG parada ng imports — dati at mga bagong mukha ang mga PBA team sa pagbubukas ng Governor’s Cup sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga bagong mukha ay sina Courtney Beasley na lalaro sa B-Meg Derby Ace Llamados, Arezona Reid na tampok ng Rain or Shine,  John Williamson ng Powerade Tigers, Curtis Stinson ng Barangay Ginebra,  Maurise Baker ng Commissioner’s Cup champion Tropang Texters, Mike Taylor ng Petron Blaze, at Jason Forte ng Alaska Aces.

Samantalang ang returnees ay sina Champ Oguchi ng Meralco Bolts at Alpha Bangura ng Air21 Express.

Sa panimula ng Governor’s Cup sa Hunyo 11 ay maghaharap ang B-Meg  Derby Ace at Rain or Shine Elasto Painters sa isang out of town game sa Tacloban City. Maagang makakaliskisan dito sina Beasley at Reid at malalaman kung angkop sila sa mga lokal na manlalaro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply