PDEA umapela ng mas mataas pang pondo

NANAWAGAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Malakanyang na dagdagan ang pondo nito upang mas matutukan ang mga high-profile drug cases at mas mapaigting pa ang kampanya kontra iligal na droga.

Ang panawagan ay pinangunahan ni PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., na nagsabing kapag madaragdagan ang pondo ng kanyang ahensya ay matutustusan nito ang gastusin ng mga pulis at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at PDEA na mga testigo sa mga drug case.

Naniniwala si Gutierrez na kapag may sapat na pondo ay matitiyak ang pagtestigo ng mga ito sa korte at tataas ang conviction rate ng mga kriminal na sangkot sa iligal na droga.

Aminado si Gutierrez na mahirap para sa mga law enforcer na tumestigo sa drug cases, lalo na kung ang kaso ay nasa ibang lugar at kailangan pang gumastos ng malaki upang makapagtestigo doon.

Dahil dito, maraming kaso ang naibabasura lamang dulot ng di pagsipot ng mga pulis na kasama sa mga anti-drug operations at naatasang tumestigo sa mga kaso.

Umaasa ang PDEA director general na sa lalong madaling panahon ay ilalabas na ang hinihintay nilang P39-milyon budget na halos magdadalawang taon na nitong ipinapanawagan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply