Pekeng Lacoste nasabat ng CIDG

TINATAYANG aabot sa P10 milyong halaga ng pekeng Lacoste ang nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkahiwalay na operasyon ngayong araw sa Baclaran, Parañaque at Pasay City.

Sinabi ni PNP-CIDG director Samuel Pagdilao, nasa 22,000 piraso ng pekeng Lacoste t-shirts ang nakumpiska sa Terminal Plaza Mall sa Baclaran at stockroom ng Unit 304 sa Angels st., Pasay City.

Ang pagkumpiska sa mga pekeng items ay batay sa search warrant na inilabas ng korte laban kay Susan Ong, isang Filipino-Chinese proprietor ng mga establisimyento.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa trademark infringement in relation to property code of the Philippines si Ong. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply