Pekeng Stradcom lawyer arestado ng QC police

ARMADO ng warrant of arrest mula sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 42, nabuslo ng mga elemento ng QC police ang hinihinalang pekeng  Stradcom lawyer na si Atty. Jer B. Samson, abogado ng isang Bonifacio Sumbilla dahil sa pamemeke ng dokumento.

Si Samson ay ipinadakip ng QC court nang mapatunayang may probable cause upang makasuhan sa salang pagpapakilala na siya ay isang corporate secretary ng Stradcom Corporation, exclusive IT provider ng Land Transportation Office, gamit ang pekeng 2010 General Information Sheet (GIS) ng Stradcom nang mag-file sa  Securities and Exchange Commission (SEC) noong Disyembre  2010.

Ang pekeng dokumento ang ginamit umano ng grupo ni  Sumbilla noong nakaraang taon upang puwersahang i-take over ang naturang kumpanya dahilan para masugatan ang maraming empleyado ng Stradcom Corporation at mahinto ang operasyon ng LTO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply