Pensyon sa magre-retire na gov’t employees

IPINAAAPURA na ng Senado ang pagbibigay pensyon at retirement benefits sa mga magreretirong kawani ng pamahalaan.

Base sa Committee Report No. 23 ng Senate committee on Civil Service and Government Reorganization at committee on Government Corporations and Public Enterprises, ipinasasabatas ang 30 araw o isang buwang palugit para sa pagbibigay ng benepisyo ng mga kawani ng gobyerno.

Partikular dito na inaatasan ng komite ang Government Service Insurance System, Pag-Ibig Fund at gayundin ang Department of Budget and Management ang top officials ng mga nasabing ahensya ang kailangang tumiyak sa maagap na pagre-release ng benepisyo ng retirees.

Kapag natagalan ang retirement benefits dahil sa kapabayaan o kaya naman sinadyang ipitin ang responsable ay maaaring masuspinde ng anim na buwan sa trabaho at tuluyang masipa sa puwesto.

Sinabi nina Senators Ralph Recto at Antonio Trillanes IV, kapwa may-akda ng Senate Bill No. 2748 ukol dito, kailangan magkaroon ng deadline dahil karaniwan ng reklamo ng mga nagreretiro na halos siyam-siyam ang kanilang paghihintay bago makuha ang kanilang mga benepisyo.

Hindi anila makatwiran na pinahihirapan pang makakuha ng benepisyo ang matagal na nagsilbi sa gobyerno tulad ng mga guro, sundalo, mga kawani ng korte at Government Owned and Controlled Corporations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply