People power ikakasa ng CBCP vs RH bill

NAGBABALA ang isang arsobispo ng Simbahang Katoliko hinggil sa pagsiklab ng panibagong “people power” sa bansa kung tuluyang maisasabatas ang Reproductive Health (RH) bill.

Kaagad namang nilinaw ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na isa lamang ang pagpapasa sa RH bill sa mga dahilan kung bakit maraming grupo ang hindi nasisiyahan sa pamamalakad ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Cruz, may tatlong grupo na nagmo-monitor sa mga ginagawa ng Pangulo. May iba-iba umanong plano ang mga ito, ngunit may isang pagkakapareho—ang pag-ayaw nila sa kasalukuyang pamahalaan.

“This (RH bill) is not only the issue against him; this is just one of those. Before it was even discussed, marami nang tao ang nagsabi, “ano ba naman ‘to? Where are we?” So, this is just one of those reasons that disappoint and frustrate people. And it is becoming more and more,” ayon kay Cruz sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Tatlo iyong grupo na ‘yan,” ayon sa obispo. “Ewan ko kung bakit ko naman nalalaman. Sa tingin ko alam din nila yan. Bagama’t iba-iba ang kanilang hangarin. Iba-iba ang kanilang plano pero iisa ang nagdudugtong sa kanila–ayaw nila sa pamahalaang ito,” ani Cruz.

Dismayado umano ang mga naturang grupo sa uri ng pamamalakad ni Pangulong Aquino, at posibleng naghihintay lamang ang mga ito ng “right timing” para tuluyang gumawa ng hakbang at pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Maging si Cruz ay aminadong dismayado dahil sa wala naman aniyang nagaganap na pagbabago sa bansa buhat ng maupo sa puwesto ang pangulong Aquino.

“Ang sabi ko lamang, ‘this is not the only issue. This is just one of those issues.’ Pero halos lahat naman ay major issues,” ani Cruz.

Dagdag pa nito: “Ganito na lamang ba tayo? Edsa1, Edsa 2, then back to normal. It’s the same, kailangan bang ganito na lang lagi. Wala na ba tayong pwedeng gawin para magbago?  This is not the question na baguhin ang gobyerno. Ilang beses na natin binago ang gobyerno pero pareho din.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply