‘Pera-pera’ ni Sotto sa RH bill sinopla ni Miriam

SINAGOT ni Senadora Miriam Defensor- Santiago ang patutsada ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na pera-pera na ang labanan sa Reproductive Health (RH) bill dahil sa pharmaceutical companies na nagsimula nang magpakawala ng pera.

Matatandaang ibinunyag ni Sotto, anti-RH bill na nagsimula nang mag-lobby ang mga pharmaceutical company dahil malaki umano ang kikitain ng mga ito sa contraceptives sa sandaling mapagtibay ang nasabing panukalang batas.

Sinabi ng senadora, dapat umanong maalala ni Sotto na ang Simbahang Katoliko ang pinakamalaking lobby group dahil malaki ang mawawala sa kanila sa sandaling pumasa ang naturang panukala.

Nilinaw ni Santiago na ayaw ng simbahan sa RH bill, marami ang magpa-family planning at malaki ang mawawala nilang kita sa mga binyag at kasal.

Kasabay nito, para matapos na umano ang isyu, iminungkahi ng senadora na ang mga ina na lamang ang i-survey dahil ang mga ito ang nagbubuntis.

Samantala, okey lang umano sa senadora na makarating hanggang Korte Suprema ang usapin kaugnay sa RH bill.

Nilinaw ni Santiago, may-akda ng Senate version ng RH bill, hindi awtomatikong pag-iisahin ang panukalang batas at ‘unborn child protection bill” na isinusulong ng mga anti-RH Bill.

Base sa panukalang Unborn child protection bill, ire-regulate ang pagbebenta ng contraceptives.
Aminado naman ang senadora na nahihirapan silang isulong ang RH bill dahil sa simbahang katolika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply