Petsa ng ARMM election binago ng Comelec

BINAGO ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng election period at paghahain ng kandidatura para sa nalalapit na halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Batay sa Comelec Resolution 9218, mula sa Mayo 14 hanggang 17 ay inusog ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Mayo 19 hanggang 23.

Maging ang election period para sa ARMM ay itinakda rin ng Comelec sa Hunyo 9 hanggang Setyembre 7, 2011, mula sa orihinal na petsang Mayo 10 hanggang Setyembre 7, 2011.

Ayon sa Comelec, layunin nito na mabigyan pa ng karagdagang panahon ang poll body para sa “pre-election preparations” na isinasagawa nito.

Ang naturang eleksiyon ay nakatakda sa Agosto 8, bagamat mayroong mga panukalang ipagpaliban ito at isabay sa midterm elections sa taong 2013.

Kabilang sa mga ihahalal ay ang bagong ARMM governor, regional vice governor, at mga miyembro ng Regional Legislative Assembly.

Ang mga kandidato para sa regional governor at regional vice governor ay dapat na maghain ng COC sa Office of the ARMM Regional Election Director habang ang COCs naman para sa mga miyembro ng Regional Legislative Assembly ay dapat na isumite sa Office of the Provincial Election Supervisor.

Ayon sa Comelec, aabot sa 1,778,817 ang mga rehistradong botante sa ARMM.

Samantala, ipinaalala ng Comelec na kapag umiral ang election period ay mahigpit na ipinatutupad ang gun ban sa rehiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply