PH Embassy nag-sorry sa ePassport delay sa JP

NANAWAGAN ang mga opisyal ng Philippine embassy sa Japan sa pang-unawa ng mga aplikante ng ePassport sa patuloy na pagkakaantala ng paglabas ng kanilang mga dokumento.

Ayon sa anunsyo sa website ng Philippine Embassy sa Tokyo ay tatagal ng mahigit kaysa dating anim na linggong palugit sa paglabas ng ePassports dahil na rin sa mga maintenance work at upgrades sa ePassport Personalization Center sa Maynila.

Ito rin ang siyang pangunahing dahilan ng pagkakaantala, ayon sa isang mensaheng inisyu ng Department of Foreign Affairs.

Isinisisi rin ng embahada ang naturang isyu sa pagtaas ng bilang nga mga aplikante ngayong panahon ng bakasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply