PH, EU free trade agreement itinakda

BILANG paghahanda sa nakatakdang free trade agreement (FTA) ng Pilipinas sa European Union na nakatakdang lagdaan ngayong taon, magsasagawa ng konsultasyon ang pamahalaan sa iba’t ibang sektor hinggil sa epekto ng FTA sa lokal na negosyo.

Ayon kay Trade Undersecretary Adrian Criustobal, anumang oras ay nakahanda ang EU sa FTA dahil may preparasyon na silang isinagawa sa pakikipagkasundo sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Sa pag-aaral, itinuturing na ang EU ang may pinakamalaking ekonomiya, na may 17% produkto sa pandaigdigang kalakalan, 25 % ng mga dayuhang direktang investment sa buong daigdig.

Ang magbebenepisyo sa FTA ay ang mga produktong gulay, langis at taba, tela at damit, parte ng mga sasakyan at iba pang produktong gawa rito.

May potensyal din ang mga financial services, insurance, chemical products, communications, construction, energy at water supply, paper at publishing, leather, machinery at electrical appliances.

Ang mga produktong Pinoy na kikita ng malaki sa EU market ay ang mga sea food gaya ng isda lalo na ang tuna sa Mindanao, broilers, sariwang prutas gaya ng saging, asukal na muscovado, processed fruits gaya ng mangga, pomelo at banana chips, coconut based products tulad ng virgin coconut oil, sabon, pabango, natural rubber, bio-fuel, produkto ng pagmimina, furniture, ,jewelry, paper, cameras at kalusugan, information at communication technology services at skilled labor para sa sektor ng serbisyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply