Milyong out of school children ikinabahala

IKINABAHALA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang bagong ulat ng UNESCO na aabot sa mahigit isang milyong kabataan ang hindi nakapag-aaral sa Pilipinas sanhi ng kahirapan at naiipit sa sigalot sa Mindanao.

Ayon kay Cayetano, naisama ang Pilipinas sa 15 bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kabataan na hindi nag-aaral kasama sa mahihirap na bansa tulad ng Ethiopia at Ghana.

Sinabi pa ni Cayetano na kahirapan at walang tigil na sigalot sa Katimugang Mindanao ang humahadlang sa mahigit isang milyong school age children ang hindi makapag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

“Less than two weeks from the opening of classes and there are close to a million school age children who cannot get primary education due to extreme poverty or they are trapped conflict affected areas,” ayon kay Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na habang nakikipag-usap ang pamahalaan sa Islamic secessionists hinggil sa kapayapaan, dapat tugunan din ng pamahalaan ang kagyat na pangangailangan ng apektadong lugar partikular ang tinaguriang internally displaced persons (IDPs).

“These children could not go to school as their schools are being used as shelters for IDPs while their teachers continue to face kidnapping and other forms of security threats,” himutok ng senador.

Base sa ulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO, umaabot sa mahigit 67 milyong kabataaan sa buong mundo ang hindi nakapag-aaral simula noong 2008 sanhi ng sigalot. Kalahati dito ay matatagpuan sa 15 bansa kabilang ang Pilipinas.

Inihayag pa ni Cayetano na tila tuktok ng dambuhalang niyebe ang isang milyong kabataan na hindi nag-aaral dahil mayroon pang 2.4 milyong child laborer sa buong bansa na naipit sa mapagsamantalang sitwasyon sa trabaho.

Hindi kabilang sa ulat ng UNESCO ang kabataaan na nag-drop out sa high school o kolehiyo.

Pinagbasehan ni Cayetano ang UNESCO report na may titulong: The Hidden Crisis: Armed Conflict and Education na nagsasabing kababaihan, kahirapan at naninirahan sa apektadong lugar ng sigalot ang iyang pangunahing risk factor sa kabataan upang hindi makapag-aral.

Ayon sa ulat ng UNESCO, kabilang sa 15 bansa na may out of school children ang: Nigeria (8.6 million); Pakistan (7.3 million); India (5.6 million); Ethiopia (2.7 million); Bangladesh ( 2 million); Niger (1.2 million); Kenya (1.1 million); Yemen (1.0 million); Philippines (1.0 million); Burkina Faso ( .9 million); Mozambique (.9 million); Ghana (.8 million); Brazil (.7 million); Thailand (.7 million); at South Africa (.5 million).

Aniya, hindi sapat na mabigyan natin sila ng libreng edukasyon.

“It is also the duty of the government to establish policy interventions to ensure that poor children will be able to actually go to school and finish their studies up to the College level. We need s mstional strategy in addressing the problem of drop outs and upgrading our quality of education,” pahayag ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply