Pia Guanio mag-aalsa balutan na sa Eat Bulaga?

PARATING may mga bulung-bulungan raw na nangyayari sa Eat Bulaga ngayon. Sa bawat balitang lumalabas kay Pia Guanio at sa bago nitong papa na soon-to-be husband na si Steve Magno (na hindi ma-locate ng movie scribe para ma-interview) ay may napagkukuwentuhan ang mga taga-EB.

Ang laging tanong daw ng mga utaw sa longest running show ng Philippine TV, “Ano na ang latest?” “Tuloy na ba talaga ang kasalan, kaylan at sa’n ‘to gagawin?” “Invited kaya si Bossing (Vic Sotto)?”

‘Yan daw sa suma-tutal ang mga hanging questions na nagsi-circulate ngayon sa naturang noontime show. Hehehe!

May mga suhestiyon naman na out of delicadeza, dapat ay mag-resign na raw sa show si Pia dahil hindi magiging maganda ang rapport niya between the EB people at kay Bossing mismo, lalo na kung siya ay kasal na kay Magno.

Pero sa nakikita namin sa tuwing manonood kami ng Eat Bulaga ay wala naman kaming napapansin na kakaiba. Ganun pa rin naman ang saya at tuwa sa show. so far, hindi rin nagkakailangan ang dating magsiyota.

Well, hintayin na lang natin kapag ikinasal na nga ang morenang TV host sa kanyang BF at doon natin malalaman kung may magaganap ngang pagbabago pagdating sa pakikisama kay Ms. Guanio ng kanyang mga kasamahang hosts at ni Bossing.

***

Justin Bieber flopsina sa Hong Kong!

NAKALIMUTAN na nga ng mga Chinese o Hongkong citizens in particular, ang nangyaring madugong hostage-taking sa Luneta last year dahil ipinakita ng mga ito ang kanilang simpatiya sa mga Pinoy na binalasubas ni Justin Bieber.

Imagine, sikat daw sa buong mundo ang lintek na ito pero flop sa Hong Kong. Para siyang may sakit na ketong na nilayuan doon.

Kaya nga wala namang naging trabaho ang sangtambak niyang mga bodyguards dahil wala naman silang hinawi na fans na nagkakagulo kay Justinia dahil aware ang mga kapatid nating Chinese na maldita ang boses ipis na European singer. Ayaw nito na may hahara-hara sa kanyang daraanan.

Hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang inyong Papa Abs sa singer na ito na ang tingin sa ating mga Pilipino ay napakaliit. Kaya hangga’t maaari ay huwag na siyang bumalik dito sa bansa natin dahil kapag na-sight ko s’ya uli dito ipalalapa ko s’ya sa askal. Giatay!

Pero pagdating sa mga Hapon ay mabait ang kumag na ito. Noong isang araw ay talagang nagpakodak pa ang lukaret sa mga batang sakang nang dumalaw siya roon sa Japan.

Feel n’ya ang mga hapon kumpara sa mga kalahi ni Juan. Kaya sa Japan ay nagpakita ito ng katinuan. Hindi niya alam, mas malambing, magalang at mapagmahal tayo sa mga Hapon. Subukan niyang tumira nang matagal-tagal doon para maranasan niyang mamura ng isang batang paslit.

***

Jiro Manio malala pa kay Baron Geisler

IBINULGAR ni Direk Maryo delos Reyes na nasa isang rehab si Jiro Manio kaya hindi siya napagkikikita ngayon.

At balita namin, mas malala pa raw kay Baron Geisler ang pagka-adik nito sa bawal na gamot.

Nakapanghihinayang ang binatang ito. Sinayang niya ang talentong ibinigay sa kanya ng Dios. Umabuso siya sa konting kasikatang tinamasa niya. Pati nga sa mga babae ay naging mapaglaro siya. Kaya sa edad 16 ay naging tatay na siya.

Kawawa ang anak niya. Babae pa naman ito at wala pang sampung taon.

In fairness sa premyadong batang aktor (na ngayon ay binata na) na ito, mahal na mahal niya ang kanyang anak. Inihingi pa niya ito ng tulong sa mga showbiz at kasabay nang pakiusap na sana’y mabigyan siya ng project alang-alang sa kanyang tsikiting.

Nabigyan naman siya ng proyekto pero tsipipay na indie film lamang at barya-barya lang ang kita kaya hindi rin nakatulong sa kanya. Pagkatapos nito ay wala na tayong nabalitaan sa kanya.

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply