Pikon

ISA sa mga sinisisi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa pagbagsak ng trust rating ni PNoy ay ang mga kolumnista na lagi raw masama ang sinusulat tungkol sa administrasyong Aquino. Hindi raw kasi sinusulat ang maganda, yun lang daw pangit.

Bumwelta agad ang ilang kolumnista na trabaho naman ni PNoy ang gumawa ng maganda, kaya nga sya Presidente. Kaya isinusulat ang mga negatibo at kakulangan ay para masita at maituwid.

Hindi trabaho ng mga kolumnista ang maging PR ng Pangulo.  Ang sabi naman ng iba, mas marami kasing negatibo at hindi maganda ang kasulat-sulat. Kagaya ng balita na tumaas na naman ang bilang ng mga jobless sa bansa. Dati 9 Million lang, ngayon ay 11.3 Million na.

Syempre headline ang ganitong balita at paksa ng mga manunulat at mga kolumnista dahil ito

ang klase ng balita na interesting. Nitong nakaraang araw, ano ba ang mga balita?

Car smuggling sa Cagayan de Oro at special treatment sa mga mayayaman at sikat na mga preso sa bilibid. Noong mga nakalipas na araw, mga eroplanong muntik nang magbanggan dahil sa

sinasabing bulok na mga navigation equipment at ang pagkakabilang ng Ninoy Aquino

International Airport (NAIA) sa mga pinaka-pangit na paliparan sa mundo.

Tapos naging headline din mga nabubulok na bigas sa NFA samantalang dumadami ang mahihirap at mga gutom na Pilipino. Sa palagay ko ang pagbaba ng trust rating ng Pangulo ay hindi dahil sa bintang ni Lacierda kundi dahil sa personal na karanasan ng mga Pilipino sa administrasyong Aquino.

Sa ganang akin, hindi ko pa tinatapos ang paghuhusga ko sa kakayahan ni Aquino.

Ipinagdadasal ko pa rin ang kanyang tagumpay dahil ang kanyang kabiguan ay kabiguan ng buong bayan.

Sana lang ay huwag nang mapikon ang tropa ng Pangulo. Ang batikos ay kasama sa trabaho nila, ang dapat nilang gawing ganti ay patunayan na mali ang mga akusasyon at ipamukha sa lahat na si PNoy ang magsasalba sa atin mula sa bulok na sistema patungo sa kasaganaan.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa

akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply