Pinagtataguan ni Jacosalem tukoy na

TUKOY na ang lugar na pinagtataguan ng itinuturing na suspek sa tangkang pagdukot at pagpatay sa aktres na si Pilar Pilapil kamakailan.

Si Rosel Jacosalem Peñas ay namataan umano sa Dumaguete City, ang babaeng tinukoy sa pagdukot at bigong pagpatay sa aktres.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) director, Magtaggol Gatdula, posibleng naroroon lamang umano sa Dumaguete City si Peñas, batay sa personal na impormasyong nakuha niya sa pagbisita sa nasabing lalawigan para imbestigahan ang kaso ni Pilapil.

Nabatid pa na si Peñas ay tubong-Dumaguete at karamihan sa mga kaanak nito ay nasa nasabing probinsiya noong nakalipas na linggo.

Matatandaang si Pilapil ay sugatang iniwan sa isang madamong lugar sa paa ng bundok ng Piedra Blanca Subdivision, Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal, noong Abril 14, 2011.

Tinangay ng mga armadong kalalakihan ang sinasakyan nitong Kia at isinama rin ang kanyang kasama at ngayo’y sangkot na rin sa tangkang pagpatay.

Humingi lamang ng tulong si Pilapil sa isang magsasaka na kanyang nakita dakong-11:20 ng gabi kaya naitakbo agad siya sa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon na si Peñas ay bilas ni Pilapil dahil mister ng aktres si Nelson Peñas, ang kapatid ng asawa ng suspek na si Bernie Peñas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply